Hapi HALOween

All Saints’ Day sa Pilipinas…
November 1.
Ang ibang tawag ay “Araw ng mga Patay.” Kung sa Ingles pa ay “Day of the dead.” Hindi ko talaga alam ang dahilan sa pagbisita ng mga libingan ng mga yumao na. Pero may narinig akong pamahiin nuon na nagsasabing bumubukas ang gate ng mundo ng mga kaluluwa at bumibisita ang mga kaluluwa ng mga pumanaw na.
Naalala ko noon na dun pa kami natutulog sa sementeryo para bantayan ang libingan.
Ngayon, pansin ko ang dami nang mga tindahan sa sementeryo tuwing todos los santos. Parang naging mall na eh.. 🙂 ehehe
Hindi na siya gaanong nakakatakot tulad ng dati.
Para sa iba, isang mataimtim na panalangin sa puntod ng pumanaw na kapamilya o kaibigan ay tanda ng paggunita sa araw na ito.
Ang iba naman tinutulad na ang tradisyon sa Amerika. May mga costume party at iba’t ibang pakulo tuwing ika-31.
HAPPY HALLOWEEN sa lahat!

image from http://cache.daylife.com/imageserve/0bLa0Ep2lj23q/610x.jpg

Buhay na Mundo

Nabasa ko lang ang post ni Jesse at Lois nung isang araw.
Nabanggit niya ang website na ito: http://www.breathingearth.net/ at napabilib talaga ako. Ang galing ng pagkakagawa! Magandang representation din ng mga statistics mula sa iba’t ibang bansa sa mundo. Parang buhay talaga ang mundo natin dahil sa patuloy na pagusbong ng buhay.