Hapi HALOween

All Saints’ Day sa Pilipinas…
November 1.
Ang ibang tawag ay “Araw ng mga Patay.” Kung sa Ingles pa ay “Day of the dead.” Hindi ko talaga alam ang dahilan sa pagbisita ng mga libingan ng mga yumao na. Pero may narinig akong pamahiin nuon na nagsasabing bumubukas ang gate ng mundo ng mga kaluluwa at bumibisita ang mga kaluluwa ng mga pumanaw na.
Naalala ko noon na dun pa kami natutulog sa sementeryo para bantayan ang libingan.
Ngayon, pansin ko ang dami nang mga tindahan sa sementeryo tuwing todos los santos. Parang naging mall na eh.. 🙂 ehehe
Hindi na siya gaanong nakakatakot tulad ng dati.
Para sa iba, isang mataimtim na panalangin sa puntod ng pumanaw na kapamilya o kaibigan ay tanda ng paggunita sa araw na ito.
Ang iba naman tinutulad na ang tradisyon sa Amerika. May mga costume party at iba’t ibang pakulo tuwing ika-31.
HAPPY HALLOWEEN sa lahat!

image from http://cache.daylife.com/imageserve/0bLa0Ep2lj23q/610x.jpg
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s